Saturday, February 23, 2008

Minsan lang to :)

Hahaha. Di ako makapaniwalang makakapag-aral ako ng 4 chapters ng Noli in one hour =)) Bakit?

 

 

Hindi ko alam :))

 

 

Alam ko pero ayaw kong sabihin =))

 

 

 

 

EWAN :D

 

 

 

Masyado lang akong masaya ngayon.

 

 

 

 

 

 

Nagkaroon kasi kami ng contest blah blah geoid quiz sa UP. Ayun, di kami nag-aral. Di kami nag-train or something. Wala talaga kaming alam. Wait, ang saklap, meron naman siguro kahit papano. Nag-aral ako ng konti =)) Nakakahiya naman noh.

 

Nahirapan sa Elims. Written Exam. 40 mins ko sinagutan. Bilis noh? Anong technique ko? SHOTGUN. Oh yes. At syempre hindi mawawala ang iniminimaynimoo sa usapan. :))

 

Nalaman ko na lang kay Gilleane Altuna na ang mga questions dun ay ang mga posibleng questions sa UPCAT. =)) PAKSHIT KAYA PALA.

 

May mga mayayabang dun pero makatarungan naman dahil meron nga naman talaga silang maipagmamayabang. May iba naman walang binatbat pero ang lakas ng hangin.

 

Hahaha tinawag ang lahat ng schools. Kami ang Team BRACES. Dahil lima kami (Cat, Gil, Inna, Jami at Pepe) na nakabraces :)) Napansin nung emcee at ni Mrs. Torralba :D

 

I-aannounce na mga pasok sa semi finals. Kinabahan kami. Pang-8 na school na pero di pa rin tinatawag ang Paaralan ng Banal na Espiritu Santo (SHS, bobo :D joke lang). Salamat sa Panginoon at natawag rin ang eskwelahan natin bilang ika-siyam na kasama sa semi finals. Hooray.

 

Sila Cat at Jami na ang nagpatuloy ng laban. Andun lang kaming tatlo nila Inna at Gil bilang moral support =)). Ang yayabang nung mga kaharap namin. Di ko na babanggitin kung aling school.

 

Tapos... ETO NA. ANG DAHILAN NG AKING UMAAPAW NA KALIGAYAHAN.

 

Sinusurvey ko ang room. At tumigil ang mga mata ko nang makita ko ang isang nilalang na nakuha ang aking atensyon. Binasa ko ang pangalan ng paaralang kinabibilangan niya (nakasulat sa ID strap :)) ) QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL.

 

Haha oo, tama ang iniisip mo. Ewan, sana nga tama ang iniisip mo kasi natatae ako =)) Seryoso.

 

Hindi ko matanggal ang mukha niya sa aking ulo. Nagddrawing pa siya nun sa likuran ng kanyang notebook. Nachansingan ko pa ngang nakangiti siya at biglang tumambling ang aking puso =D.

 

BALANG ARAW...MAGTATAGPO RIN ANG MGA LANDAS NATIN... Hahahaha.

 

 

Ang pakshit di ko man lang alam kung anong pangalan niya. :D

 

Temporary lang ito. Sana. Dahil nanalaytay pa rin ang pagkakagusto ko sa isa pang tao na kilala niyo na siguro dahil napaka obyus naman talaga kung sino =)).

 

 

TINGGIL

 

 

4 comments:

  1. Talaga? Si Jami kasama? Wala akong kaalam-alam dito!! Bakit hindi niyo sinasabi? Naku itong si Jami... Ang masikreto talaga!!! :))

    ReplyDelete
  2. Wala talaga kaming kamalay-malay kay Jami kami ni Micah :)) As in. Maririnig na lang namin sa iba yung mga balita about sakanya! :)) Close na kaming tatlo sa lagay na yun! :))

    Oo. Magaling kayo! :)) Kayo pa! Good luck :D

    ReplyDelete
  3. Hahahahaha =)) Aww. Tahimik kasi yun eh :D


    Gaga, SILA LANG =D

    ReplyDelete