Tuesday, February 5, 2008

Gusto Kong...

*matulog... Pero di pa ko inaantok. :P Ewan. Maraming nasa isip ko ngayon eh.

*magrapel... tama ba spelling?! =)) Haha. Daya. 'Di nabunot number ko. Tss. Isang beses pa lang ako nakapagrapel sa buong buhay ko. Umuulan pa nun :|

*gumimik... Matagal-tagal na kong hindi nakakalabas kasama mga kaibigan ko.. :(

*tumawa... Wala. Feel ko lang tumawa. Para gumaan loob ko...

*umiyak... dahil nalulungkot ako. :(

*gumulong sa sahig... para masaya ang buhay...

*umabsent... ayoko nang mag-aral... feel ko nga bumobobo na ko eh. di ko na nakukuha yung mga optional items na binibigay ni Mrs. Pedrosa sa Geom at Trigo. Tapos hindi na rin ako nakakakuha ng perfect scores sa Chem at Pinoy. Lintek na buhay to oh. Kung kelan naman last quarter na, dun pa ko sasablay :|

*pumatay... kaya mag-iingat KA.

*magdasal... dahil si Lord na lang ata ang nakakaintindi sakin ngayon...

 

 

Okay, inaantok na pala ako. :P Sige good night na mga pare.

No comments:

Post a Comment