Friday, July 15, 2011

Somehow I'm getting tired...

Ewan ko ba. Ang hirap talaga kapag di mo mabasa 'yung tao.


Bakit nga ba siya kelangan basahin?

Kasi ewan ko, gusto ko siya eh. Gusto ko siyang makilala, haha arte.

Parang ang sarap kaya ng feeling na mapa-open up mo yung isang taong tahimik sa'yo. O kung di man tahimik, secretive.


At frankly, namimiss ko na ang feeling na may nagpapahalaga sayo na hindi mo kaibigan o kapamilya... although hindi naman kasi yan isang bagay na nahihingi mo lang tapos ibibigay na sayo. Pinaghihirapan yan.


Kaya eto, pinaghihirapan ko siya. Although hindi ko alam kung aabot nga ba kami sa puntong magkwekwentuhan kami tungkol sa buhay namin... Kasi una, malayo ako sa kanya at pangalawa, busy siya at magiging busy na rin ako.


Pero eeffort pa rin ako. Hindi lang sa kanya ah, pati na rin sa mga taong naiwan ko na hindi ko pa nakilala masyado... Parang sayang kasi.


Pero nakakapagod talaga.


Ganito kasi, kahapon parang ang ganda ng mood niya tapos ang kulit niya tapos kinakausap niya ko tapos naggoodnight pa siya sakin chos haha sa lahat ng tao kamo.

Ayon... tapos ngayon hindi siya nag-oonline putangina naloloka na ko paranoid talaga ako sa ganitong bagay lalo na pag crush ko tapos friend ko huhu. Kung dati wala akong pake, ngayon ang laki na ng pake ko sa kanya.


Kasi namaaaan nipols


NI HINDI KO NGA ALAM KUNG ANONG MERON SA BUHAY NIYA, KUNG MAY LABLAYP BA SIYA O WALA. KASI BALITA KO SA EX NIYA MAY BALAK DAW SIYANG LIGAWAN NA BABAE DATI, LAST YEAR PA YON AH. PUTA PANO KUNG SILA NAAAAA...

OKAY LANG SIGURO KASI MALAYO NAMAN AKO KAYA MUKHANG MALABO RING MAY MANGYARI SAMIN. PERO EHHH ANG COOL SIGURO NOH KUNG MAY NANGYARI KAHIT LONG-DISTANCE HAHAHAHA PERO ANG WEIRD DI KO MAIMAGINE.


Wait hugas lang ako pinggan.

No comments:

Post a Comment