Bilang panimula, ang napili kong club ay....
CHENCHENENEN-NENEEEEEEEEEEEEEEN!
ECH-ECH-ECH JAYB! (SHS Jive)
J-oining
I-nstruments and
V-ariation
E-nsemble
(tama ba? ewan.)
Bakit ko nga ba pinili tong club na to? Ewan, kasi wala nang ibang mapapasukan. Haha. Joke, di naman. Pwede rin naman mag-La Liga Maria kung hindi lang ako tinatakot nung mga kaibigan ko kasi sabi nila magrorosaryo daw kami sa field habang naglalakad nang paluhod papuntang J-Court. WOW. NVM na lang talaga.
Isang dahilan na rin siguro kung bakit ko gustong sumali ay mahilig akong tumugtog ng gitara. Di nga ako magaling, as in bordering kabanuan ang abilidad ko sa bagay na yan. Nanliliit ako pag nasa presensya ng mga taong bihasa sa pagtugtog ng gitara. Para silang mga adik. Grabe. Kaya naman hanggang ngayon ay naiinspire akong maging tulad nila. Maging isang adik. Kaya nga sumali ako sa club na to. Dahil tinadtad ng adik ang club na to. Lalung-lalo na ang moderator namin si Ginoong Aldrin Flores na siyang pinakaadik sa aming lahat.
Hahaha. Masaya naman ako sa club na to. Kaso sobrang lungkot kasi hindi nakapasa ang aking dalawang kaibigan. Pero ayos lang. Masaya rin naman kasama sila Dindin at Dyebeh :D
Achievement para sakin ang makapasok sa club na to kasi pumasa ako sa audition. Ang weird nga ni Sir eh :D Yung tutugtugin ko kasi "My Heart" ng Paramore.
Eh di yun, pinatugtog na ko ni Sir, tapos alam niyo ba....
INTRO PA LANG PINATIGIL NA NIYA KO! WTH. Freaky di ba? Napraning kaya ako nun haha. Tapos pinatugtog niya ko ng mass song. Luck was on my side kasi alam ko tugtugin yung pinakita niya. Whew, buti na lang talaga at nagkaroon na rin ng halaga ang pagtutugtog ko ng gitara sa misa sa parokya namin. I never thought that it would come in handy :D
Anyway, sa kabila ng lahat ng kabaliwan nung araw na yun, nakaraos din naman ako sa awa ng Maykapal :))
First meeting: TATLO LANG KAMING SENIOR. Wow. Hitik naman sa second year ang club namin. Kung oobserbahan mo sila ng mabuti, iisipin mong mga anak sila ni Sir Flo (nickname namin kay sir) dahil parang sobrang close na nila. Nakaka-OP tuloy, pero ayos lang. Mukha namang mga anghel yung clubmates ko :D
Ginawa akong sekretari ni Sir, di naman ako mukhang sekretari. Mas mukha akong president! JOOOOOOOOKE. (nangampanya eh noh. BOAT ME!!!!!)
Basta yun, orientation lang. Masaya, ang daldal naming lahat.
TEKA! OHMAYGAHD! AY HAB NO MOR TAYM! Dito na muna ako magtatapos :D
Sana lang talaga gumaling ako sa paggitara :> (asa.)
lastly,
BOAT ME POR PRESIDENT!
Panjee! :D
ReplyDeleteHello, Mela! ♥
ReplyDelete