Last week napilitan akong magcommute papunta at pauwi galing sa review center (Expert Guides, Kostka) sa Katips. HAHA. Kung di niyo alam, bobo ako magkomyut. DI NGA AKO MARUNONG TUMAWID SA KALSADA EH =)) Kaya naman kakaibang ekspiryens na naman to.
Pauwi na kami ni Alyssa Cabel at Kimberly Samia. Aakyat pa lang ng overpass, masaya na. HAHA. THE JOURNEY BEGINS :>
Dun sa 10th step ata, may drawing ng pututuy =)) BASTOS! Pwede namang smiley yung ilagay dun. Grabe, sayang di namin napikchuran :))
Pagkatapos tumawid, tumungo na kami sa sakayan ng dyipni. May nakita kaming ex-schoolmate. Di pa rin siya tumatangkad, that's good to know hahaha may kasama pa pala ako :)) Nakasakay kami ng dyip. Okay, so far so good. Maliban na lang siguro sa mga exotic scents na umaalingasaw sa katawan ng mga katabi ko :)) Oh well, dapat siguro masanay na ko. Nakarating kami sa MWSS, haha MAPUTIK. Lumagpas kami sa sakayan ng dyip papuntang Tandang Sora. Naglakad pa kami. Naunahan pa nung matabang babae na dahilan kung bakit sisikip yung jeep na sasakyan namin.
ETO NA. Ang pinakamasayang parte ng adbentyur.
Panjee: Puno na eh, maghihintay pa ba tayo?
Aly at Kim: (Hindi sumagot. Ewan ko kung dinedma ako o bingi lang talaga sila)
Drayber: Oh yung maliit! (AKO YAN) Sa kanan! Yung dalawang malaki sa kaliwa!
Pepe, Aly at Kim: PAKSHIIIIIIIIIIIIT! (ito marahil ang nasa isipan namin nung mga oras na yun.)
Pepe: (Natulala sa espasyong natira para upuan.) PUNYE---- ISANG PISNGI LANG NG PWET KO KASYA JAN EH!
Aly: (Nakaupo na. Nakasandal pa nga eh)
Kim: (Nagsquat na lang sa loob ng dyip)
Pepe: Mga ate, pasensya na po, nauupuan ko na mga balakang niyo. (Nagdesisyong magsquat na rin. NABANAT ANG MGA LITID KO.)
Ale: Tiisin mo na lang, hanggang Luzon lang naman ako.
PUUUUUUUUUUUUTEK. Grabe, nakakahiya talaga. Napilitan pa kong kumandong sa balakang ng mga katabi ko :)) Nagtawanan lang kami nila Kim hanggang sa mapigtas na ang mga ligaments at tendons sa binti ko. Halata rin namang tawang-tawa yung mga aleng inupuan ko yung balakang. Hay, peste, ANG SAYA MAGKOMYUT! WOO!
Sa awa ng Maykapal, nakarating ako sa bahay nang buhay. Yun nga lang, nanginginig tuhod ko haha nangalay sa kaka-squat =))
THE END :)
HAHAHA
ReplyDeletebuti na lang never ko kailangan magcommute buong buhay ko... teehee. ;))
okay. tawang-tawa na ko dito. hahaha :))
ReplyDeleteMadali lang kaya.:)):p
ReplyDeletemakinig ka kay nixie. expert yan ;) right babes? haha :))
ReplyDeleteTakte ah.:p
ReplyDeletebakit takte? di ba totoo? nagkita kaya tayo sa daan nun, remember? :D
ReplyDeleteYep yep. haha. Madali lang naman talaga eh.:p
ReplyDeleteokay babes :D
ReplyDeleteoiii yung legs ko naipit na nun ah. hahaha :))
ReplyDeleteAwww, Panjee! :)) :)) :)) Okay naman ang first time mong pagcocommute! :> Hahaha! Congrats! Sa susunod, kung gusto mong sabay tayo, ayos lang sa akin. :) Sa tinagal ko na pagcocommute papuntang Katipunan, hindi ko pa naranasan ang ganiyan. :P Okay, sharing lang. :) I love you! :>
ReplyDeletehay, you just don't know how lucky you are =))
ReplyDeletehaha ay nako peggy, siguro pag nagkomyut ka, di ka pasasakayin ng drayber...
ReplyDeleteNO ANIMALS ALLOWED EH =))
Peeaaaace ♥
DALUBHASA KA KASI EH! Reyna ng kalsada :))
ReplyDeleteKAMUSTA NAMAN SI KIM?! Hahaha malaking harang sa daanan :))
ReplyDeleteWAAAAHAHA =)) Gusto ko nga eh, next Tuesday ulit kami magkokomyut. :))
ReplyDeleteButi ka pa. Ayoko na maulit yun, grabe. :| I LOVE YOU TOO ♥