Thursday, May 8, 2008

A Day With my Wonderful Neighbors =)

ANG BLOG NA ITO AY RATED R-65.

 

Wow. What a nice day this turned out to be :D Haha. First time kasing maka-gimik kasama ang mga kapitbahay sa Trinoma. KUMPLETO KAMI! Kaya napakalaking achievement :))  Pito kami all in all: Ako, Anne, Aylah, Christine, Edmarie, Keith at Patricia :D Sumama rin sila Ate Dang, Jillian, Ate Tracy at Brandon pero humiwalay rin sila sa’min.

 

Kaya ko nga pala ginawang private to kasi baka pag nakita ng iba sabihin nila, “ANO NAMANG PAKE KO KUNG GUMIMIK KAYO NG MGA TARANTADOW MONG KAPITBAHAY SA TRAYNOMA?!”. Well, yun, ganun lang naman ako ka-praning. Hahaha. Gusto ko lang ilagay sa blog para pag trip kong alalahanin ang araw na ito, eh di babasahin ko blog ko.

 

Grabe, di pa kami nakakaalis ng bahay, ang lakas na maggaguhan ng mga kasama ko. ALL GIRLS NGA PO PALA KAMI HA :D Seryoso ako!

 

Sa byahe pa lang papunta dun, deymn, di na mapakali ang mga tarantading kong kaibigan. Aba, ang ganda pa ng unang topic nila! GUESS WHO?

 

 

PUPUS! HOOORAAAAAY! PALAKPAKAAAAN :)) =)) \:D/ (Kung di mo nga pala kilala si Pupus, mas mabuting wag mo nang kilalanin. Magsisisi kayo. NAKAKAADIK YUN EH  =)) Punyeta. Kung iniisip mo ring may crush kami dun, tangina mo, wait ‘til you see his oh-so-majestic face! =)) Get what I mean? :>)

 

Okey. Para kaming mga turistang ulol. Pati ba naman labas ng Trinoma pinipicture-an. Parang tanga lang. Excited eh, sorry naman.

 

Nakapasok na sa wakas. Anong unang ginawa? Nag-CR. Oo, nag-CR.

 

Napakalawak ng loob ng restroom :)) pwede ka talagang gumulong-gulong sa loob. Pwede kang tumambling. Pwede ka ring sumayaw na parang ulol. Nagwala nga kami, as in literal na nagwala nung pagkapasok naming sa loob =))

 

Dalawa lang samin ang umihi kaya ayon, yung iba kong kasama pinairal ang pagiging vain nila. Ako naman, malakas manggago, ayon, habang umiihi ang aking mga kaibigan, KINUHANAN KO SILA NG PICTURE! Hahaha! Ang patok eh, sayang nabura nung kaibigan ko :))  

 

Pagkatapos nun ay bumili na kami ng movie tickets. Treat ko :> Ohaaaaa :)) Sa THX movie theatre pa kami napunta :> Iba na talaga pag--- neveeeer miiiiiiiiind =))

 

2 hours pa ang pwedeng sayangin kaya nagPOWERZONE KAMI. (Napaghalo ng isa kong butihing kaibigan ang POWERstation at timeZONE) =D Okey lang yan friend, di naman nabawasan ang tinggil mo dahil dun.

 

Unang pinaggastusan, yung walang kakwenta-kwentang photo booth. TANGNANG YAN. K Nasayang lang yung P110.00 ng kambal. Pakingshit. Umulit pa kaya kami! Pero this time, ang kukyut na ng mga itsura naming. Di tulad nung una, mukhang mga ginahasang elektrikpan.

 

Marami pa kaming ibang nilaro. Nag-air hockey sila, haha ANG COOL NG LABAN NILA ANNE AT EDMARIE :)) DA BEST PARE! DA BEST TALAGA =)) Ma-aksyon eh, muntikan na ko maihi sa saluwal ko sa kakatawa :))

 

Nagbasketball rin kami kung saan ilang beses tumalbog pabalik yung bola sakin, may muntikan pang madisgrasya. Pinakapatok yung nagawa ni Anne, feeling Michael Jordan-Kobe Bryant-Yao Ming-Shaquille O’Neal-PUPUS ARBOLEDA, ayon, nashoot ang bola… sa tuktok nung basketball chuchu machine. =)) Nakapaglaro rin kami nung laro sa peryahan, yung may mallet tapos hahampasin mo yung target. ANG LAMPA KO GRABE K =)) 500+ lang lagi score ko. Whadd’ya expect? Sa liit ko ba namang to di ba.

 

Naglaro rin kami nung jumping rope na kagaguhan, parang tanga yung game na yon =)) tapos nagquiz bee rin. Grabe, cheaaatiiiiing =)) Nanalo si Aylah :)) Patok!

 

Naubos ang oras sa POWERZONE :> kakaunting minuto na lamang na nalalabi para bumili ng pagkain. Nagkagulo pa kung anong kakainin. Nagpapicture dun sa cardboard display ng “Made Of Honor” haha ang gwapo ni Patrick Dempsey :)) Di ko na tinangkang magpapicture dun dahil di ko naman maaabot =)) =))

 

Speed Racer papanoorin namin, Cinema SEVEN. Nice noh? Seats ay K19-K25. Oha, memorize. Ganito seating arrangement:

 

Edmarie~Honey~Keith~Ako~Anne~Pat~Aylah (Cooool, saktong-sakto eh :D)

 

Masaya yung movie, makulay ang buhay. Ang pogi ni Rain tsaka ni Speed tsaka ni Racer X. Oh yeah :> :> :> NAKAKATAWA SI MAN BOOBS! PUTEK! BAKAT YUNG NIPOLS NIYA!

 

Umiral na naman ang katarantaduhan sa utak ng katabi kong si Anne. Sa movie kasi, nangako si Speed kay Trixie na pag nanalo siya sa Grand Prix, ganito ang gagawin niya: “I’ll sweep you off your feet and kiss you… blahbiblahbiblahhh!”

 

Natuwa ako sa movie kaya sabi ko kay Anne, “Tara, maging Speed Racer na rin tayo.”

Sabi naman ng tarantadong si Anne, “Oh sige, tapos ikaw yung lalake, si Pupus yung babae. Siya yung ikikiss mo pag nanalo ka.”

 

 

AYYYYYY. K K K Puta. Nawala na ang ligayang nararamdaman ko nung mga oras na yun.

 

Tuluyan na kong nabadtrip nung pauwi na. Nalaman kong hindi bumili ng monay ang kapatid kong magaling. Puteeeek. Nagkakaraoke daw kasi sila, kamusta naman yon?! Bumaba pa kami sa supermarket subalit nadatnan naming ubos na ang mga monay sa French Baker. Kawawa naman kami L Walang monay :(( Bumili na lang ng blueberry muffin si Irish, ewan ko kung bakit :))

 

Umuwi na kami. Nakakahiya sa driver, ang tagal ng hinintay nun. Naa-amaze ako sa kahabaan ng pasensya niya. Sana ganun rin ako. Pinagmumura ko nga yung kapatid ko kanina eh :)) Kawawa naman.

 

Umuwi na kami. Sinundo pala muna si Mami sa office. Grabe, muntikan na kaming di magkasya. Ang lakas ng ulan. Ang lakas pa rin manggago ng mga kasama ko.

 

Village, Sweet Village! Hahaha :)) Hinatid namin sila Keith, Eds at Pat sa court dahil may game pa dun. Waaaah, sayang di ko napanood yung game ngayon L Inuwi naman namin sila Aylah at Anne sa bahay nila.

 

Hindi pa diyan nagtatapos ang kwento. Marami pang nangyari. Nagpunta pa kami ni Anne kela Tita Au para bayaran yung mga damit na in-order namin. Napa-chika pa kela Kuya Res. Nakita pa niya ang mga panggagago namin ni Anne sa isa’t-isa sa Friendster :D

 

Pagkauwi sa bahay, nanood ng TV, naligo at nagtext.

 

Nakatext ko sila John at Anne subalit sa kasawiang-palad ay naubos ang load ko. TARANTADO KA GLOBE! HINDI MO MAN LANG SINABING HINDI NA KO UNLI! BULLSHIT KA! Sayang… L Tangina talaga. Nagalit pa kapatid ko dahil nakigamit pa ko ng phone niya para itext sila. Hay punyetang buhay to.

 

At ngayon, eto nga sinusulat ko ang blog na ito na hindi ko alam kung kelan nga ba matatapos….

 

 

TAPOS NA :D

 

2 comments: