AKO AY MAY ISANG NAPAKALAKING ACCOMPLISHMENT...
FOR THE FIRST TIME IN THE HISTORY OF MY LIFE...
NAKAPATAY AKO NG IPIS!!!!!!!
As in ipis na fully-grown, hindi yung parang garapata-sized lang :))))))
ANG SAYA-SAYA KO! COME ON! CELEBRATE WITH ME! \:D/ \:D/ \:D/
Here's how it happened...
3 minutes ago...
I was typing... and then I heard a familiar sound. A sound that always made my heart race whenever I heard it. It was a scuttling noise that brought terror to everyone in our household.
OO, MAY GUMAGAPANG NA IPIS.
Napatigil ako. Kasabay kong tumigil ang mundo. Akala ko aatakihin na ko... It was about 1:25 a.m., kaka-install ko pa lang ng free trial version ng Jojo's Fashion Show 2...
Nagtangkang lumapit sa'kin yung ipis, pero umilag ako. Lumabas agad ako papuntang hagdanan at sinarado ang sliding door.
"PUNYETA!!!!!!"---
PUMASOK YUNG IPIS SA KWARTO KO. :|
Anong ginawa ko? Usually tinatawag ko ang pinakamahusay na assassin sa bahay (tatay ko) para i-eliminate yung ipis. Subalit sa kadahilanang madaling araw pa at siguradong magiging biktima ako ng hagupit ng mga magulang ko, hindi ko na lang tinuloy.
Nagmadali ako sa shoe cupboard, kumuha ng Baygon at sinuot ang tsinelas ng tatay ko (sa pag-aakalang baka mapasa sa akin ang ipis-warrior prowess niya). Tumakbo ako pataas para harapin ko na ang hayop na namamalagi sa aking silid.
*gulp* "Okey... dis is it. Ama, Ina, Jillian, mahal ko po kayong lahat. Beakman and Paula, see you in hell. Kim, sabihin mo kay Leone siya yung magpari sa burol ko. Aly, bading daw si Bill. Pakisabi na lang kay John na... na...---" whatever.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto... namataan ko ang hayop sa ilalim ng aking kama...
*spray!!!*
Okay, bobo much, nag-spray ako pero mga 4 meters away =)))))
Ang bilis tumakbo nung ipis. Nawala siya sa paningin ko...
Nag-meditate pa ko at pinikit mga mata ko para malaman kung nasaan yung ipis. Pagdilat ko--
NASA TABI KO NA SIYA =)))) wooo!
*spray! spray! spray!* "Leche kang ipis ka!"
Ito na yung pinaka ayaw kong part... pag lumilipad na sila. :| :| :|
OHHHWWWW SYIIIIT. Magka-counterattack na yung ipis, anong gagawin ko!?
I summoned all my strength into one mighty stomp.
BULLSEYE! SAPUL ANG PWET!
=)))))
Sinamantala ko na ang pagkakataon at nilunod ang ipis sa Baygon. Pinagmumura ko rin siya para masaya. Hahaha, tapos naghihingalo na siya ngayon kasi pinatungan ko siya ng clothes basket :))))
ITO ANG PRUEBANG NAKAPATAY AKO NG IPIS:

Ngayon ay nananatiling misteryo kung paano nakalusot ang ipis na iyon sa aming pamamahay... IMPOSIBLE, sinasabi ko sa iyo... Maliban na lang kung..
May sumpa kang galing kay... IPIS QUEEN.
Mga kaibigan, mag-iingat kayo.
Baka kayo na ang sunod na bisitahin ng alaga... ni Ipis Queen. :)